Sunday, 10 April 2022

II. PANGKATANG GAWAIN: Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong

 Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral

Talahanayan Bilang 1. Kasarian ng mga Kalahok / Impormants 

        Ang Talahanayan Bilang 1 ay nagpapakita ng kabuuang porsyento ng mga kalahok. Batay sa datos na ipinakita, ang kasarian na babae ay mayroong bilang na 45 o 50% na kalahok at ang kasarian na lalaki ay mayroong bilang na 45 o 50% na kalahok na nagpapakita ng kabuoan ng 90 na bilang. Samakatuwid, ang datos ay naglalahad ng pantay na hating bilang ng mga kalahok.




Talahanayan Bilang 2. Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina 

        Ang Talahanayang Bilang 2 ay nagpapakita ng kabuuang porsyento ng pagkatuto ng mga kalahok o impormants sa bawal disiplina. Mayroong 68.543 % na kalahok ang tumugon na sila ay natututo sa Math, samantalang 69.301% naman sa Science. Sa English ay may 67.612% na kung saan ay ito ang may pinakamababang porsyento sa walong disiplina. Naglalaman naman ng 70.346% ang Filipino, habang 71.981% ang disiplinang Araling Panlipunan. Makikita sa Edukasyong Pagpapakatao na meron itong 74.745% na siyang pumapangalawa sa pinakamataas ng porsyento. Ayon sa mga impormants, ang Mapeh ang siyang pinakamataas na porsyento sa lahat ng disiplina na may kabuuang 77.788%, at ang TLE ay may 73.245%





Talahanayan Bilang 3. Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok / Impormants 

        Ang Talahanayang Bilang 3 ay nagpapakita ng mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kalahok o impormants kung saan bilang 5 ang may pinakamataas na marka. Ang kawalan ng Internet Connection ang nangunguna sa may pinakamataas na mean at may kabuuang mean na 4.59. Sinundan ito ng “Kakulangan ng mga Impormasyon na nakalahad sa modyul”, “Kakulangan sa gadgets”at “Kakulangan sa sapat na gabay sa pag-aaral” na nakukuha ng 4.58, 4.57 at 4.55 na mean ayon sa pagkakabanggit. Ilan pa sa mga nakakuha ng mahigit sa 4 na mean ay “Kakulangan ng sapat na oras sa pag-aaral” na may 4.47 mean, “Kakulangan sa pinansyal na suporta” na may 4.45 na mean, “Impluwensya ng iba’t ibang gawaing pantahanan” na may 4.19 na mean at “Kahinaan ng Internet Connection” na 4.01 mean. Ang “Kawalan ng interes sa pag-aaral”, “Nagtatrabaho”, “Hindi nakatapos ang mga magulang ng pag-aaral” at “Kakulangan sa suporta ng gobyerno” ay itinuturing rin ng mga kalahok bilang salik na nakakaapekto sa pag-aaral na binigyan nila ng 3.89, 3.56, 3.47 at 3.02 ayon sa pagkakasunud-sunod Ang “Pagkakaroon ng malubhang sakit” naman ang nakakuha ng pinakamababang mean na may kabuuang 1.54 lamang.






KONKLUSYON


            Sa ginawang survey tungkol sa implikasyon ng pandemya sa pang-akademikong performans ng 90 mag-aaral. Makikita sa datos na ang pinaka mataaas na porsyento sa kabuuang pagkatuto ng mga mag aaral sa panahon ng pandemya ay ang MAPEH na may 77.788 porsyento at sumunod naman dito ay mga Edukasyon sa pag papakatao , TLE, Filipino at Araling panlipunan , na may mahigit 70 porsyento ang bawat isa, mahihinuha dito na mas matataas ang porsyento ng pagkatuto ng mga estudyante sa mga minor subjects kumpara sa mga major subjects tulad ng Math, Science at English na nangangailangan ng mas maigting na gabay at eksplanasyon. Ngunit ang mga bagay na ito ay mahirap solusyonan lalo’t ayon sa mga mag-aaral ang kanilang mga magulang o tagapangalaga nila ay halos mga di nakatapos ng pag-aaral kung saan sila mismo ang dapat gumabay sa mag-aaral habang nasa online class.

        Makikita rin sa mga datos ang mga pangunahing salik na nakaapekto sa mga estudyante sa kanilang mga pag-aaral. Mapapansin sa talahanayan na maraming salik ang nakaapekto sa mga estudyante. Ilan sa mga pinakanaging suliranin sa mga estudyante ay ang mga Kakulangan sa Gadget", "Kawalan ng Internet Connection", "Kakulangan ng Sapat na Gabay sa Pag-aaral", "Kakulangan ng mga Impormasyong nakalahad sa Modyul" at "Kakulangan sa Pinansyal na Suporta". Iilan lang ito sa mga salik na nakakapag hadlang sa mga pag-aaral ng mga estudyante sa panahon ng pandemya. Hindi maipagkakaila na ang estado ng mga klase ngayon ay napakagulo at napakahirap kumpara sa nakasanayan noon.


        Kung pagtutuunan ng pansin hindi pagkakasakit ang nangungunang hadlang na nakakapekto sa pag-aaral bagama’t nasa gitna ng pandemya, mas higit pang nakakaapekto ang mga bagay na may kinalaman sa teknolohiya at pinansyal. Masasabing hindi lahat ng estudyante ay may pribilehiyong magkaroon ng mga mamahaling mga gadget at mabilis na internet connection. Mababatid din sa mga datos na lubhang nakakaapekto rin ang impluwensiya ng mga gawaing pantahan at pagtatrabaho na maaring sanhi ng isa pang pangunahing salik na kakulangan ng sapat na oras sa pag aaral.


No comments:

Post a Comment

IX. TEKSTONG PROSIJURAL