Sunday, 10 April 2022

VII. TEKSTONG ARGUMENTATIBO

        Bilang mamamayan ng bansang demokratiko, ang mga ganitong hakbang ay malaking banta sa soberanya ng bansa. Ang mga kaganapang nagsimula noong ika-24 ng Pebrero taong 2022 ay itunuturing ni Vladimir Putin, presidente ng Russia, bilang bahagi lang ng pangkapayapaang kampanya naturang bansa. Sinasabing ito ay matapos magpakita ng interes ng kasalukuyang presidente ng Ukraine, Volodymyr Zelenskyy, sa North Atlantic Treaty Organization o NATO. Ang organisasyon na ito ay isang alyansa binubuo ng mga kanluraning bansa na naglalayong protektahan ang bawat isa sa iba’t ibang klaseng banta.

         Ang dalawang bansang ito ay dating naging parte ng Soviet Union kaya’t malaking bahagi ng kasaysayan ng bawat bansa ang isa’t isa. Ilan taon ring napasailalim ng Russia ang bansang Ukraine kaya’t ganoon nalang siguro ang pag-alma nito dahil ayaw nitong makinabang ang kanluraning bansa sa Ukraine. Gayunpaman, ang ginawang hakbang ng Russia may masasabing paglabag sa polisiya ng Ukraine. Bukod sa pagkabahala ni Putin sa pagsali ng Ukraine sa NATO, maaari ding dahilan na ayaw nilang maimpluwensiyahan ng mga kanluraning bansa ang mga ito dahil nasa Ukraine ang ilan sa pinakamalalaking linya ng petrolyo ng Russia. Kung ating titingnan, ang Russia ang may isa sa pinakamalaking tagapagtustos ng gas at petrolyo sa buong mundo. At magiging isang malaking hadlang ang mga linya sa Ukraine kung sakaling naisin nilang makipaggyera sa ibang bansa.

        Ngayong halos magdadalawang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang gyera ng Ukraine at Russia, libo-libo narin ang mga taong nasawi at naapektuhan ng naturang hidwaan. Ang pagsakop na ito ng Russia ay nagdulot ng pagkasira ng ilang parte ng Ukraine tulad ng mga kabahayan, tulay, kalsada at mga malalaking gusali. Magiging malaking bahagi ang mga Civil Engineers pagkatapos ng naturang gyera. Mahalaga ang mga papel ng mga ito sa pagtataguyod at pagbangon muli ng bansang Ukraine. Una sa lahat, dapat nilang pagtuunan ng pansin ang pagsasaayos ng mga kalsada dahil ito ang nagsisilbing koneksyon ng bawat lugar. 

        Ano pa man ang dahilan ng Russia sa pag-atake sa Ukraine ay di ito makatarungan. Ang Ukraine ay isang malayang bansa at hindi dapat ito sirain ng Russia. Ang bawat bansa ay may soberanyang dapat respetuhin ng iba. Ang digmaang nangyari sa Ukraine at Russia ay patunay lamang na dapat pinaglalaban ang kalayaan at hindi lang dapat nagiging tuta ng ibang bansa. Ang pagkondena ng iba’t ibang bansa sa aksyon ng Russia ay nagpapakita ng mga ito ng pagsuporta sa Ukraine at pagrespeto sa kalayaan nito. Samakatuwid, dapat na itigil ng Russia ang pang-aabusong ginagawa nito sa Ukraine dahil wala itong magandang patutunguhan. Patuloy na babagsak ng ekonomiya ng bawat isa at maraming buhay na mawawala ay ilan lamang sa mga malulubhang epekto nito. Pairalin nawa ang pagkakaisa at hindi ang dahas sa isa't isa.

No comments:

Post a Comment

IX. TEKSTONG PROSIJURAL