Ayon kay Alcantara (2017) sa Onia (2017), may kalakaran sa pag-aaral ng wika para sa pagbubuo ng mga panibagong salita na tinatawag na neologismo. Ang neologismo ay paglikha sa mga bagong salita o panibagong kahulugan at gamit ng isang lumang salita at/o ekspresyon, o pagsasalin sa isang wika ng salitang hiram na walang direktang katumbas sa saling wika. Ang salita neologismo ay nagmula sa mga salitang Griyegong neos na nangangahulugang bago at logo na nangangahulugang salita. Sa konsepto nito nakapaloob ang pagturing sa isang salita nab ago hangga’t ito ay nananatiling may pakiramdam na pagkabago o pagiging bago para sa nagsasalita. Sa kalaunan, ang mga salitang ito ay maaaring maging bahagi ng bokabularyo ng isang wika. Dulot narin ng pagbabago sa teknolohiya, agham at komunikasyon ay nagkaroon ng ilang neologismong tulad ng "bitcoin," "pag-click," "selfie," at "emoji."
Ang mga salitang balbal at kolokyal ay maraming pagkakahawig. Ito ang grupo ng mga salita na ating matatawag natin na “di-pormal”. Subalit, may malaking pagkakaiba ang dalawang uri ng salitang ito ( Ki, 2020). Ang salitang pabalbal o balbal ay tinatawag ring “slang” sa Ingles. Ang mga salitang ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t- ibang salitang Filipino o maaari ring mga salitang mula sa banyaga. Ito ay mas karaniwan sa pagsasalita kaysa sa pagsulat at karaniwang pinaghihigpitan sa isang partikular na konteksto o pangkat ng mga tao. Samakatuwid, ang slang ay ginagamit sa pagitan ng mga tao na kabilang sa parehong pangkat ng lipunan at pati na rin ang mga nakakakilala sa bawat isa. Ilan sa mga halimbawa ng balbal na salita ay syota, datung, todas, olats, dekwat at purita. Sa kabilang banda, ang kolokyal ay wikang di-pormal na pang-araw-araw na ginagamit ng mga tao sa pagsasalita. Ito ay kadalasang nagtataglay ng kagaspangan ngunit maaari ring maging repinado batay sa mga naguusap. Nasan, pyesta, dalwa, saakin, ganoon at naroon ay ilan lamang sa mga salitang kolokyal na ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pagsasalita.
One may observe how the abbreviations mentioned above have received a value of adverb and verb consequently. This is a clear sign that language has an elasticity in reference with the evolution of the technological progress. […] Another expression I came across with is the association of the words “relaxing” and “chilling”. Several people have used the word “chillaxing” which has entered everyday language, and has combined two concepts into one word -a nice sounding word – neologists (this word does not exist in the dictionary, but includes medical and linguistic professionals who study the phenomenon) should pay attention to the usage and euphony of the words. (Hovsepyan, 2017)
Teknolohiya, kasama ang pagsulong at pagtuklas nito, ay nag-aambag sa pagkakaroon ng neologismo. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay pag-usbong ng mga salita at terminong walang direktang pagsasalin sa wikang Filipino. Mababatid sa sinabi ni Hovsepyan ang isang klase ng proseso kung paano nabubuo ang mga neologismo kaugnay ng teknolohiya. Ayon din kay Hovsepyan (2017), lahat ng bagay na umiiral sa mundo ay nakatakdang magbago at ang pagbabagong ito ay kailangan upang magpatuloy ang isang bagay. Ito ay ilan lamang sa nagaambag sa pagkakaroon ng ebolusyon sa wika na kinakailangan upang ito ay manatili at magpatuloy sa pag-unlad. Para sa kanilang bahagi, ang pangunahing nagpakalat ng mga neologism ay ang media. Ang paggamit nga mga social network ,kasama ng mga malilikhaing pagiisip ng mga gumagamit nito, ang siyang nagpapabilis nga pagsirkula ng pagbabago nga mga salita. Ngunit mahalagang isaalang-alang parin ang kinabukasan ng sariling wika dahil ang labis na pagbabago o pagtanggap sa mga banyagang wika ay maaring magdulot rin ng pagkalaho ng mismong sariling wika.
Ang balbal at kolokyal na wika ay dalawang anyo ng pasalitang anyo ng isang wika. Parehong gumagamit ng mga impormal na salita at ekspresyon. Gayunpaman, ang balbal ay mas impormal kumpara sa kolokyal na wika. Ang pagbabalbal ay ginagamit ng ilang mga pangkat ng mga tao tulad ng mga kabataan habang ang wikang kolokyal ay ginagamit ng ordinaryong tao sa kanilang pang-araw-araw na pagsasalita. Ang neologismo sa wika ay malaki ang epekto sa pormal na edukasyon sa bansa. Maari itong tanggapin kung mga bagay o terminong ito ay makakatulong upang lubos na magkaintindihan ang nagsasalita at takapakinig.
SANGGUNIAN
Hovsepyan, L. (2017, Mayo 6). Neologisms and their influence throughout the evolution of the language. Academia.edu. Mula sa https://www.academia.edu/12258980/Neologisms_and_Their_Influence_Throughout_the_ Evolution_of_the_Language
Kahulugan ng neologism (Ano Ito, Konsepto at kahulugan) - MGA expression - 2022. Encyclopedia Titanica. (1970, Enero 1). Mula sa https://tl.encyclopediatitanica.com/significado-de-neologismo
Onia, J. (2017, Pebrero 19). Kabanata i Ang Suliranin at ang mga kaligiran ng Pag-Aaral. Academia.edu. Mula sa https://www.academia.edu/31522787/KABANATA_I_ANG_SULIRANIN_AT_ANG_M GA_KALIGIRAN_NG_PAGAARAL?fbclid=IwAR3FtFKeuWjnvyWiscAKbY91E0ezGvTtAnRqwsPnEFRlQDv1OOhDoKQGyQ
Pagkakaiba Ng Balbal At Kolokyal – Halimbawa At Kahulugan. (2020, Nobyembre 5). Pagkakaiba ng balbal at kolokyal – halimbawa at kahulugan. Philippine News. Retrieved Mula sa https://philnews.ph/2020/11/05/pagkakaiba-ng-balbal-at-kolokyal-halimbawa-atkahulugan/
No comments:
Post a Comment