Sunday, 10 April 2022
VIII. TEKSTONG IMPORMATIBO
Ayon kay Alcantara (2017) sa Onia (2017), may kalakaran sa pag-aaral ng wika para sa pagbubuo ng mga panibagong salita na tinatawag na neologismo. Ang neologismo ay paglikha sa mga bagong salita o panibagong kahulugan at gamit ng isang lumang salita at/o ekspresyon, o pagsasalin sa isang wika ng salitang hiram na walang direktang katumbas sa saling wika. Ang salita neologismo ay nagmula sa mga salitang Griyegong neos na nangangahulugang bago at logo na nangangahulugang salita. Sa konsepto nito nakapaloob ang pagturing sa isang salita nab ago hangga’t ito ay nananatiling may pakiramdam na pagkabago o pagiging bago para sa nagsasalita. Sa kalaunan, ang mga salitang ito ay maaaring maging bahagi ng bokabularyo ng isang wika. Dulot narin ng pagbabago sa teknolohiya, agham at komunikasyon ay nagkaroon ng ilang neologismong tulad ng "bitcoin," "pag-click," "selfie," at "emoji."
Ang mga salitang balbal at kolokyal ay maraming pagkakahawig. Ito ang grupo ng mga salita na ating matatawag natin na “di-pormal”. Subalit, may malaking pagkakaiba ang dalawang uri ng salitang ito ( Ki, 2020). Ang salitang pabalbal o balbal ay tinatawag ring “slang” sa Ingles. Ang mga salitang ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t- ibang salitang Filipino o maaari ring mga salitang mula sa banyaga. Ito ay mas karaniwan sa pagsasalita kaysa sa pagsulat at karaniwang pinaghihigpitan sa isang partikular na konteksto o pangkat ng mga tao. Samakatuwid, ang slang ay ginagamit sa pagitan ng mga tao na kabilang sa parehong pangkat ng lipunan at pati na rin ang mga nakakakilala sa bawat isa. Ilan sa mga halimbawa ng balbal na salita ay syota, datung, todas, olats, dekwat at purita. Sa kabilang banda, ang kolokyal ay wikang di-pormal na pang-araw-araw na ginagamit ng mga tao sa pagsasalita. Ito ay kadalasang nagtataglay ng kagaspangan ngunit maaari ring maging repinado batay sa mga naguusap. Nasan, pyesta, dalwa, saakin, ganoon at naroon ay ilan lamang sa mga salitang kolokyal na ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pagsasalita.
One may observe how the abbreviations mentioned above have received a value of adverb and verb consequently. This is a clear sign that language has an elasticity in reference with the evolution of the technological progress. […] Another expression I came across with is the association of the words “relaxing” and “chilling”. Several people have used the word “chillaxing” which has entered everyday language, and has combined two concepts into one word -a nice sounding word – neologists (this word does not exist in the dictionary, but includes medical and linguistic professionals who study the phenomenon) should pay attention to the usage and euphony of the words. (Hovsepyan, 2017)
Teknolohiya, kasama ang pagsulong at pagtuklas nito, ay nag-aambag sa pagkakaroon ng neologismo. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay pag-usbong ng mga salita at terminong walang direktang pagsasalin sa wikang Filipino. Mababatid sa sinabi ni Hovsepyan ang isang klase ng proseso kung paano nabubuo ang mga neologismo kaugnay ng teknolohiya. Ayon din kay Hovsepyan (2017), lahat ng bagay na umiiral sa mundo ay nakatakdang magbago at ang pagbabagong ito ay kailangan upang magpatuloy ang isang bagay. Ito ay ilan lamang sa nagaambag sa pagkakaroon ng ebolusyon sa wika na kinakailangan upang ito ay manatili at magpatuloy sa pag-unlad. Para sa kanilang bahagi, ang pangunahing nagpakalat ng mga neologism ay ang media. Ang paggamit nga mga social network ,kasama ng mga malilikhaing pagiisip ng mga gumagamit nito, ang siyang nagpapabilis nga pagsirkula ng pagbabago nga mga salita. Ngunit mahalagang isaalang-alang parin ang kinabukasan ng sariling wika dahil ang labis na pagbabago o pagtanggap sa mga banyagang wika ay maaring magdulot rin ng pagkalaho ng mismong sariling wika.
Ang balbal at kolokyal na wika ay dalawang anyo ng pasalitang anyo ng isang wika. Parehong gumagamit ng mga impormal na salita at ekspresyon. Gayunpaman, ang balbal ay mas impormal kumpara sa kolokyal na wika. Ang pagbabalbal ay ginagamit ng ilang mga pangkat ng mga tao tulad ng mga kabataan habang ang wikang kolokyal ay ginagamit ng ordinaryong tao sa kanilang pang-araw-araw na pagsasalita. Ang neologismo sa wika ay malaki ang epekto sa pormal na edukasyon sa bansa. Maari itong tanggapin kung mga bagay o terminong ito ay makakatulong upang lubos na magkaintindihan ang nagsasalita at takapakinig.
SANGGUNIAN
Hovsepyan, L. (2017, Mayo 6). Neologisms and their influence throughout the evolution of the language. Academia.edu. Mula sa https://www.academia.edu/12258980/Neologisms_and_Their_Influence_Throughout_the_ Evolution_of_the_Language
Kahulugan ng neologism (Ano Ito, Konsepto at kahulugan) - MGA expression - 2022. Encyclopedia Titanica. (1970, Enero 1). Mula sa https://tl.encyclopediatitanica.com/significado-de-neologismo
Onia, J. (2017, Pebrero 19). Kabanata i Ang Suliranin at ang mga kaligiran ng Pag-Aaral. Academia.edu. Mula sa https://www.academia.edu/31522787/KABANATA_I_ANG_SULIRANIN_AT_ANG_M GA_KALIGIRAN_NG_PAGAARAL?fbclid=IwAR3FtFKeuWjnvyWiscAKbY91E0ezGvTtAnRqwsPnEFRlQDv1OOhDoKQGyQ
Pagkakaiba Ng Balbal At Kolokyal – Halimbawa At Kahulugan. (2020, Nobyembre 5). Pagkakaiba ng balbal at kolokyal – halimbawa at kahulugan. Philippine News. Retrieved Mula sa https://philnews.ph/2020/11/05/pagkakaiba-ng-balbal-at-kolokyal-halimbawa-atkahulugan/
VII. TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Bilang mamamayan ng bansang demokratiko, ang mga ganitong hakbang ay malaking banta sa soberanya ng bansa. Ang mga kaganapang nagsimula noong ika-24 ng Pebrero taong 2022 ay itunuturing ni Vladimir Putin, presidente ng Russia, bilang bahagi lang ng pangkapayapaang kampanya naturang bansa. Sinasabing ito ay matapos magpakita ng interes ng kasalukuyang presidente ng Ukraine, Volodymyr Zelenskyy, sa North Atlantic Treaty Organization o NATO. Ang organisasyon na ito ay isang alyansa binubuo ng mga kanluraning bansa na naglalayong protektahan ang bawat isa sa iba’t ibang klaseng banta.
Ang dalawang bansang ito ay dating naging parte ng Soviet Union kaya’t malaking bahagi ng kasaysayan ng bawat bansa ang isa’t isa. Ilan taon ring napasailalim ng Russia ang bansang Ukraine kaya’t ganoon nalang siguro ang pag-alma nito dahil ayaw nitong makinabang ang kanluraning bansa sa Ukraine. Gayunpaman, ang ginawang hakbang ng Russia may masasabing paglabag sa polisiya ng Ukraine. Bukod sa pagkabahala ni Putin sa pagsali ng Ukraine sa NATO, maaari ding dahilan na ayaw nilang maimpluwensiyahan ng mga kanluraning bansa ang mga ito dahil nasa Ukraine ang ilan sa pinakamalalaking linya ng petrolyo ng Russia. Kung ating titingnan, ang Russia ang may isa sa pinakamalaking tagapagtustos ng gas at petrolyo sa buong mundo. At magiging isang malaking hadlang ang mga linya sa Ukraine kung sakaling naisin nilang makipaggyera sa ibang bansa.
Ngayong halos magdadalawang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang gyera ng Ukraine at Russia, libo-libo narin ang mga taong nasawi at naapektuhan ng naturang hidwaan. Ang pagsakop na ito ng Russia ay nagdulot ng pagkasira ng ilang parte ng Ukraine tulad ng mga kabahayan, tulay, kalsada at mga malalaking gusali. Magiging malaking bahagi ang mga Civil Engineers pagkatapos ng naturang gyera. Mahalaga ang mga papel ng mga ito sa pagtataguyod at pagbangon muli ng bansang Ukraine. Una sa lahat, dapat nilang pagtuunan ng pansin ang pagsasaayos ng mga kalsada dahil ito ang nagsisilbing koneksyon ng bawat lugar.
Ano pa man ang dahilan ng Russia sa pag-atake sa Ukraine ay di ito makatarungan. Ang Ukraine ay isang malayang bansa at hindi dapat ito sirain ng Russia. Ang bawat bansa ay may soberanyang dapat respetuhin ng iba. Ang digmaang nangyari sa Ukraine at Russia ay patunay lamang na dapat pinaglalaban ang kalayaan at hindi lang dapat nagiging tuta ng ibang bansa. Ang pagkondena ng iba’t ibang bansa sa aksyon ng Russia ay nagpapakita ng mga ito ng pagsuporta sa Ukraine at pagrespeto sa kalayaan nito. Samakatuwid, dapat na itigil ng Russia ang pang-aabusong ginagawa nito sa Ukraine dahil wala itong magandang patutunguhan. Patuloy na babagsak ng ekonomiya ng bawat isa at maraming buhay na mawawala ay ilan lamang sa mga malulubhang epekto nito. Pairalin nawa ang pagkakaisa at hindi ang dahas sa isa't isa.
V. SANAYSAY
Mailalarawan natin ang karamihan sa mga kasalukuyang kabataan bilang mapupusok, madaling maimpluwensiyahan, walang pakialam, at suwail. Ngunit may ilan ring mulat sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at aktibong nakikilahok sa diskusyon para sa ikauunlad ng sarili at ng bansa. Malaki ang kaibahan ng kabataan noon at ngayon na mababatid natin sa iba’t ibang aspeto tulad ng kaisipan, kilos at gawa. Bagama’t may mga pagkakaiba, hindi ito maituturing na hadlang sapagkat tayo ay nasa modernong panahon na. Hindi batayan ang kakulangan sa ibang larangan upang madiktahan ang pag-unlad ng isang tao. Basta’t meron itong pangarap, pagsisikap at mabuting intensyon ay magagawa nitong magtagumpay sa buhay.
Sa paglipas ng panahon at pagkamit ng Pilipinas ng kalayaan sa mga mananakop, nagkaroon ang mga kabataan ng oportunidad makapag-aral. Oportunidad na noong unang panahon ay pili lamang at pawang mga mayayaman lamang ang nagkakaroon. Sa kasalukuyan, pinapahalagahan narin ang edukasyon maging anumang estado ng buhay. Malaking parte ng pag-unlad ng isang tao ang edukasyon. Ito ay parang isang talento na kailangan hasain at pagtuunan ng pansin. Ito rin ay susi upang lumawak ang kaalaman at magkaroon ng kakayahan suriin ang mga bagay bagay depende sa sitwasyon.
Bagama’t maraming pagkakaiba ang kabataan noon at ngayon, hindi dapat sila ipaghambing upang masukat kung sino ang mas nakakaangat. Una sa lahat, hindi pareho ang pamumuhay ng mga kabataan noon kumpara ngayon. Iba’t iba rin ang kinakaharap nilang suliranin sa buhay. Sa ngayon bilang mataas na ang lebel ng teknolohiya, mas mabilis narin ang pagkalap ng impormasyon. Ilan sa mga impormasyong ito ay totoo at marami ring pawang kasinungalingan o gawa-gawa lamang. Ito ang pagsubok sa mga kabataan ngayon kung saan sila ang madalas at mabilis maimpluwensiyahan ng mga bagay-bagay. Sa pag-usbong ng iba’t ibat application tulad ng facebook, youtube at tiktok, marami ang namumulat sa huwad na katotohanan. Ang mga application na ito ay nagtataglay ng algoritmo na nagpapakita ng mga bidyo batay sa huling napanood kung saan ang paulit-ulit na panood ng mga pekeng impormasyon ay magiging tamas a mga mata ng manonood. Ito ay mababatid natin lalo na sa kasalukuyang panahon ng eleksyon na mas pinagkakatiwalaan pa nila ang mga bidyo sa youtube at tiktok kumpara sa mga libro at pagaaral ng mga dalubhasa.
Sa kabila ng maraming hadlang sa pag-unlad ng kabataan, maituturing parin silang pag-asa ng bayan. Dahil sa bawat henerasyon ng kabataan magmumula ang mga lider ng ating kinabukasan. Ang mga hadlang at pagsubok na ito ang humubog sa kanila at patunay ng kanilang pagtatagumpay sa buhay. Ngunit huwag nating ilimita ang pagiging pag-asa para sa mga kabataan lamang. Ang bawat isa, anuman ang edad ay maaaring maging pag-asa ng bayan hangga’t mabuti ang hangarin at integridad.
III. PANGKATANG GAWAIN: Pagsasaling Wika
The current study explores the challenges that students experienced in an online learning environment and how the pandemic impacted their online learning experience. The findings revealed that the online learning challenges of students varied in terms of type and extent. Their greatest challenge was linked to their learning environment at home, while their least challenge was technological literacy and competency. Based on the students’ responses, their challenges were also found to be aggravated by the pandemic, especially in terms of quality of learning experience, mental health, finances, interaction, and mobility. With reference to previous studies (i.e., Adarkwah, 2021; Copeland et al., 2021; Day et al., 2021; Fawaz et al., 2021; Kapasia et al., 2020; Khalil et al., 2020; Singh et al., 2020), the current study has complemented their findings on the pedagogical, logistical, socioeconomic, technological, and psychosocial online learning challenges that students experience within the context of the COVID-19 pandemic. Further, this study extended previous studies and our understanding of students’ online learning experience by identifying both the presence and extent of online learning challenges and by shedding light on the specific strategies they employed to overcome them.
Overall findings indicate that the extent of challenges and strategies varied from one student to another. Hence, they should be viewed as a consequence of interaction several many factors. Students’ responses suggest that their online learning challenges and strategies were mediated by the resources available to them, their interaction with their teachers and peers, and the school’s existing policies and guidelines for online learning. In the context of the pandemic, the imposed lockdowns and students’ socioeconomic condition aggravated the challenges that students experience.
While most studies revealed that technology use and competency were the most common challenges that students face during the online classes (see Rasheed et al., 2020), the case is a bit different in developing countries in times of pandemic. As the findings have shown, the learning environment is the greatest challenge that students needed to hurdle, particularly distractions at home (e.g., noise) and limitations in learning space and facilities. This data suggests that online learning challenges during the pandemic somehow vary from the typical challenges that students experience in a pre-pandemic online learning environment. One possible explanation for this result is that restriction in mobility may have aggravated this challenge since they could not go to the school or other learning spaces beyond the vicinity of their respective houses. As shown in the data, the imposition of lockdown restricted students’ learning experience (e.g., internship and laboratory experiments), limited their interaction with peers and teachers, caused depression, stress, and anxiety among students, and depleted the financial resources of those who belong to lower-income group. All of these adversely impacted students’ learning experience. This finding complemented earlier reports on the adverse impact of lockdown on students’ learning experience and the challenges posed by the home learning environment (e.g., Day et al., 2021; Kapasia et al., 2020). Nonetheless, further studies are required to validate the impact of restrictions on mobility on students’ online learning experience. The second reason that may explain the findings relates to students’ socioeconomic profile. Consistent with the findings of Adarkwah (2021) and Day et al. (2021), the current study reveals that the pandemic somehow exposed the many inequities in the educational systems within and across countries. In the case of a developing country, families from lower socioeconomic strata (as in the case of the students in this study) have limited learning space at home, access to quality Internet service, and online learning resources. This is the reason the learning environment and learning resources recorded the highest level of challenges. The socioeconomic profile of the students (i.e., low and middle-income group) is the same reason financial problems frequently surfaced from their responses. These students frequently linked the lack of financial resources to their access to the Internet, educational materials, and equipment necessary for online learning. Therefore, caution should be made when interpreting and extending the findings of this study to other contexts, particularly those from higher socioeconomic strata.
Among all the different online learning challenges, the students experienced the least challenge on technological literacy and competency. This is not surprising considering a plethora of research confirming Gen Z students’ (born since 1996) high technological and digital literacy (Barrot, 2018; Ng, 2012; Roblek et al., 2019). Regarding the impact of COVID-19 on students’ online learning experience, the findings reveal that teaching and learning quality and students’ mental health were the most affected. The anxiety that students experienced does not only come from the threats of COVID-19 itself but also from social and physical restrictions, unfamiliarity with new learning platforms, technical issues, and concerns about financial resources. These findings are consistent with that of Copeland et al. (2021) and Fawaz et al. (2021), who reported the adverse efects of the pandemic on students’ mental and emotional well-being. This data highlights the need to provide serious attention to the mediating effects of mental health, restrictions in mobility, and preparedness in delivering online learning.
Nonetheless, students employed a variety of strategies to overcome the challenges they faced during online learning. For instance, to address the home learning environment problems, students talked to their family (e.g., S12, S24), transferred to a quieter place (e.g., S7, S 26), studied at late night where all family members are sleeping already (e.g., S51), and consulted with their classmates and teachers (e.g., S3, S9, S156, S193). To overcome the challenges in learning resources, students used the Internet (e.g., S20, S27, S54, S91), joined Facebook groups that share free resources (e.g., S5), asked help from family members (e.g., S16), used resources available at home (e.g., S32), and consulted with the teachers (e.g., S124). The varying strategies of students confirmed earlier reports on the active orientation that students take when faced with academicand non-academic-related issues in an online learning space (see Fawaz et al., 2021). The specific strategies that each student adopted may have been shaped by different factors surrounding him/her, such as available resources, student personality, family structure, relationship with peers and teacher, and aptitude. To expand this study, researchers may further investigate this area and explore how and why different factors shape their use of certain strategies.
Several implications can be drawn from the findings of this study. First, this study highlighted the importance of emergency response capability and readiness of higher education institutions in case another crisis strikes again. Critical areas that need utmost attention include (but not limited to) national and institutional policies, protocol and guidelines, technological infrastructure and resources, instructional delivery, staff development, potential inequalities, and collaboration among key stakeholders (i.e., parents, students, teachers, school leaders, industry, government education agencies, and community). Second, the findings have expanded our understanding of the different challenges that students might confront when we abruptly shift to full online learning, particularly those from countries with limited resources, poor Internet infrastructure, and poor home learning environment. Schools with a similar learning context could use the findings of this study in developing and enhancing their respective learning continuity plans to mitigate the adverse impact of the pandemic. This study would also provide students relevant information needed to reflect on the possible strategies that they may employ to overcome the challenges. These are critical information necessary for effective policymaking, decisionmaking, and future implementation of online learning. Third, teachers may find the results useful in providing proper interventions to address the reported challenges, particularly in the most critical areas. Finally, the findings provided us a nuanced understanding of the interdependence of learning tools, learners, and learning outcomes within an online learning environment; thus, giving us a multiperspective of hows and whys of a successful migration to full online learning.
Some limitations in this study need to be acknowledged and addressed in future studies. One limitation of this study is that it exclusively focused on students’ perspectives. Future studies may widen the sample by including all other actors taking part in the teaching–learning process. Researchers may go deeper by investigating teachers’ views and experience to have a complete view of the situation and how different elements interact between them or affect the others. Future studies may also identify some teacher-related factors that could influence students’ online learning experience. In the case of students, their age, sex, and degree programs may be examined in relation to the specific challenges and strategies they experience. Although the study involved a relatively large sample size, the participants were limited to college students from a Philippine university. To increase the robustness of the findings, future studies may expand the learning context to K-12 and several higher education institutions from different geographical regions. As a final note, this pandemic has undoubtedly reshaped and pushed the education system to its limits. However, this unprecedented event is the same thing that will make the education system stronger and survive future threats.
PAGSASALIN SA WIKANG FILIPINO
Sinasaliksik ng kasalukuyang pag-aaral ang mga hamon na naranasan ng mga mag-aaral sa online learning at kung paano naapektuhan ng pandemya ang kanilang karanasan sa online learning. Ang mga natuklasan ay ipinapahayag na ang mga hamon sa online learning ng mga magaaral ay iba’t iba sa mga tuntunin ng uri at lawak sa pag-aaral. Ang kanilang pinakamalaking hamon ay may kinalaman sa lugar-aralan sa kanilang mga tahanan, habang ang kanilang pinakamaliit na hamon ay ang teknolohikal na karunungang bumasa't kakayahan sumulat. Batay sa mga tugon ng mga mag-aaral, hinaharap din nila ang mga hamon na pinalala ng pandemya, lalo na sa mga tuntunin ng kalidad ng karanasan sa pag-aaral, kalusugan ng kanilang mga isipan, pagkakaroon ng pondo, pakikipag-ugnayan, at kakayahang kumilos. Sa pagtukoy sa mga kasalukuyang pag-aaral (i.e., Adarkwah,2021; Copeland et al.,2021; Day et al.,2021; Fawaz et al., 2021; Kapasia et al.,2020 ; Khalil et al.,2020 ; Singh et al.,2020), sa kasalukuyan mayroon mga pag-aaral na umaakma sa kanilang mga natuklasan sa pedagogical, logistical, socioeconomic, technological, at psychosocial online na mga hamon sa pag-aaral na nararanasan ng mga magaaral sa loob ng mga konteksto ng pandemyang COVID-19. Dagdag pa, pinalawak ng pag-aaral na ito ang mga nakaraang pag-aaral at aming pag-unawa sa karanasan sa online learning ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga istratehiya ng mga mag-aaral upang malampasan ang mga hamon sa online learning at sa mga hamon sa pamamagitan ng pagbibigay-liwanag sa mga ispesipikong istratehiya na kanilang ginamit upang mapagtagumpayan ang mga ito.
Sa pangkalahatan, ang dami ng mga hadlang at diskarte ay naiiba mula sa isang mag-aaral patungo sa susunod. Samakatuwid, dapat silang tingnan bilang resulta ng maraming salik ng pakikipag-ugnayan. Pagmumungkahi ang tugon ng mga estudyante na ang kanilang mga hamon at pamamaraan sa online learning ay pinamagitan ng kanilang mga mapagkukunang kagamitan, ang kanilang mga pakikipag-ugnayan sa mga guro at kamag-aral, at ang mga kasalukuyang patakaran at alituntunin ng paaralan. Sa konteksto ng pandemya, pinalala ng mga ipinataw na lockdown at kalagayang sosyo-ekonomiko ng mga estudyante ang mga hamon na nararanasan ng mga estudyante.
Habang ang karamihan sa mga pag-aaral ay nagsiwalat na ang paggamit ng teknolohiya at kakayahang umangkop ay ang pinaka-karaniwang hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral sa mga online na klase, ang kaso ay medyo naiiba ito sa mga umuunlad na bansa ngayong panahon ng pandemya. Tulad ng ipinakita sa mga natuklasan, ang kapaligiran ng pag-aaral ang pinakamalaking hamon sa mga mag-aaral na kailangang harapin, lalo na ang mga nakakagambala sa bahay at mga limitasyon sa puwang ng pag-aaral at pasilidad. Ang datos na ito ay nagmumungkahi na ang mga hamon sa pag-aaral ngayong pandmeya ay kahit papaano ay nag-iiba mula sa mga karaniwang hamon na nararanasan ng mga mag-aaral sa noong bago pa mag-umpisa ang pandemya. Ang isang posibleng paliwanag para sa resulta na ito ay ang paghihigpit sa kadaliang mapakilos ay maaaring magpalala ng hamon na ito dahil hindi sila makakapunta sa paaralan o iba pang mga puwang sa pag-aaral na lampas sa paligid ng kani-kanilang bahay. Tulad ng ipinakita sa datos, ang pagpapataw ng lockdown ay nilimitahan ang karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral, limitado ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kamag-aral at guro, nagdulot ng pagkalungkot, pagkapagod, at pagkabalisa sa mga mag-aaral, at naubos ang mga mapagkukunan ng pinansiyal ng mga kabilang sa pangkat na may mababang kita. Ang lahat ng ito ay nakakaapekto sa karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang paghahanap na ito ay umakma sa mga naunang ulat tungkol sa masamang epekto ng lockdown sa karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral at mga hamon na dulot ng kapaligiran sa pag-aaral sa bahay. Gayunpaman, kinakailangan ang karagdagang pag-aaral upang mapatunayan ang epekto ng mga paghihigpit sa kadaliang kumilos sa karanasan sa pag-aaral sa online ng mga mag-aaral. Ang pangalawang rason na maaring magpaliwanag sa nakuhang pagaaral ng mga sosyoekonomik na estado ng estudyante. Patuloy sa pagaaral ni Adarkwah (2021) at Day et al. (2021), sq kasalukuyang pag-aaral ay nagpakita na ang pandemya ay kahit papaano nagpakita na maraming hindi pantay sa systema ng edukasyon sa loob at labas ng bansa. Sa kaso ng isang umuunlad na bansa, ang mga pamilya mula sa mas mababang socioeconomic strata (tulad ng kaso ng mga mag-aaral sa pag-aaral na ito) ay may limitadong espasyo sa pag-aaral sa bahay, pag-gamit sa de-kalidad na serbisyo sa Internet, at mga mapagkukunan sa online na pag-aaral. Ito ang dahilan kung bakit naitala ng learning environment at pangangailangan sap ag-aaral ang pinakamataas na antas ng mga hamon. Ang sosyo-ekonomic esatado ng mga mag-aaral (i.e., mababa at gitnang-kita na grupo) ay ang parehong dahilan kung bakit madalas lumitaw ang mga problema sa pananalapi mula sa kanilang mga tugon. Ang mga mag-aaral na ito ay madalas na nag-uugnay sa kakulangan ng mga mapagkukunang pinansyal sa kanilang pag-gamit sa Internet, mga materyal na pang-edukasyon, at kagamitan na kinakailangan para sa online na pag-aaral. Samakatuwid, ang pag-iingat ay dapat gawin kapag binibigyangkahulugan at pinalawak ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito sa iba pang mga konteksto, partikular ang mga mula sa mas mataas na sosyoekonomic strata.
Sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na dala ng online learning, ang mga mag-aaral ay hindi nakaramdam ng hamon sa kanilang kakayahan at karunungan sa teknolohiya. Hindi na ito nakakabigla sapagkat napag-alaman mula sa iba’t ibang pag aaral na mayroong mataas na karunungang gumamit ng teknolohiya at kaalamang digital ang mga GenZ (mga isinilang simula 1996) (Barrot, 2018; Ng, 2012; Roblek et al., 2019). Sa pag aaral patungkol sa epekto ng COVID19 sa online learning ng mga mag-aaral, lumalabas na ang pinaka apektado ay ang pag-tuturo, pagka-tuto, at ang kanilang kalusugang pangkaisipan. Ang pagkabahala ng mga mag-aaral ay hindi lamang dahil sa banta ng COVID-19 kundi dahil na rin sa epekto ng kanilang pag-iisa, paninibago sa paraan ng pag-aaral, problemang teknikal, at problemang pinansyal. Ang mga kaalaman na ito ay katulad ng mga nakuhang impormasyon mula sa pag-aaral nila Copeland (2021) at Fawaz (2021) patungkol sa epekto ng pandemya sa emosyonal at pang-kaisipan na kalagayan ng mga mag-aaral. Ang mga datos na nakalap ay sapat na maaring maging dahilan upang magsimulang magpalaganap ng mas matinding patnubay sa maaaring maging epekto ng online leanring sa pagiisip ng mga mag-aaral.
Gayunpaman, ang mga mag-aaral ay gumamit ng iba't ibang mga diskarte upang mapagtagumpayan ang mga hamon na kanilang ikinakaharap sa online learning. Isang halimbawa nito, upang matugunan ang mga problema sa sitwasyon ng pag-aaral sa kanilang mga tahanan, nakipag-usap ang mga estudyante sa kanilang mga pamilya (hal., S12, S24), na ilipat sa mas tahimik na lugar (hal., S7, S 26), nag-aaral sa hating gabi kung saan natutulog na ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ( hal, S51), at kumonsulta sa kanilang mga kaklase at guro (hal., S3, S9, S156, S193). Upang malampasan ang kanilang mga hamon sa mga mapagkukunan ng aralin, ginamit ng mga mag-aaral ang Internet (hal., S20, S27, S54, S91), sumali sa mga iba’t ibang mga grupo sa Facebook na nagbabahagi ng mga libreng aralin (hal., S5), humingi ng tulong sa mga miyembro ng pamilya (hal., S16), gumamit ng mga aralin na makukuha sa kani-kanilang mga bahay (hal., S32), at kumonsulta sa mga guro (hal., S124). Ang iba't ibang mga diskarte ng mga mag-aaral ay ang nagkumpirma sa mga naunang ulat ayon sa aktibong oryentasyon na ginagawa ng mga estudyante kapag nahaharap sa mga isyung nauugnay sa akademiko at hindi pangakademiko sa isang online learning space (Fawaz et al., 2021). Ang mga partikular na estratehiya na ginamit ng mga estudyante ay maaaring nahubog ng iba't ibang salik na nakapaligid sa kanila, tulad ng mga mapagkukunan ng pangangailangan sa pag-aaral, personalidad ng estudyante, istraktura ng kanilang mga pamilya, relasyon sa mga kaklase at guro, at kakayahan. Upang mapalawak ang pag-aaral na ito, maaaring higit pang imbestigahan ng mga mananaliksik ang pagaaral na ito at tuklasin kung paano at bakit hinuhubog ng iba't ibang mga salik ang mga estratehiya nilang ginagamit.
Ilang implikasyon ang mahihinuha sa pag-aaral na ito. Una, binibigyang diin ng pag-aaral na ito ang importansya ng kapasidad at kahandaan ng mga institusyong pang-akademiko kung sakaling may dumating uli na panibagong krisis. Ang mga bagay na pinakanangangailangan pagtuunan ng atensyon ay ang mga polisiya pang-nasyonal at institusyonal, mga alituntunin, mga imprastraktura at pangangailangang teknolohikal, paraan ng paghahatid ng pagtuturo, pagpapaunlad ng mga kawani, potensyal na di pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa ng mga magulang, mag-aaral, guro, pinuno ng paaralan, industriya, pang-akademikong ahensya and buong komunidad. Pangalawa, pinalawak ng pag-aaral na ito ang pag-unawa sa iba’t ibang pagsubok na kakaharapin ng mga mag-aaral sa pagpasok sa sistema ng online learning , lalo na sa mga bansang may limitadong pagkukunang-yaman, kakulangan sa imprastrakturang pang-internet, at hindi maayos na lugar-aralan sa bahay. Ang mga paaralan na may kahalintulad na konteksto ng pagkatuto ay maaring gamitin ang mga naturang resulta upang makabuo at mapaunlad ang kanilang mga pang-akademikong plano sa kabila ng mga epekto ng pandemya. Pinapakita rin ng pag-aaral na ito ang mga impormasyon at stratehiyang maaring magamit ng mga mag-aaral upang makaangkop sa mga pagsubok. Ito ay ilan lamang sa mga mahahalagang impormasyon na kailangan sa paggawa ng epektibong patakara, paggawa ng desisyon at pagpapatupad ng online learning sa hinaharap. Ikatlo, ang mga guro ay maaring makakita ng mga kapakipakinabang na impormasyon upang matugunan ang mga nasabing mga pagsubok lalo na sa mga bagay na pinakanangangailangan pagtuunan ng pansin. Pinakahuli, nagbibigay kaalaman ang resulta ng pag-aaral ukol sa koneksyon sa isa’t isa ng mga gamit sa pag-aaral, mag-aaral at kanilang pagkatuto. Nagbibigay din ito ng iba’t ibang pananaw kung paano at bakit nagiging matagumpay ang paglipat sa online learning.
Ang ilang mga limitasyon sa pag-aaral na ito ay kailangang kilalanin at tugunan sa mga susunod na pag-aaral. Ang isang limitasyon ng pag-aaral na ito ay ang eksklusibong nakatutok sa bawat spective ng mga mag-aaral. Maaaring palawakin ng mga pag-aaral sa hinaharap ang sample sa pamamagitan ng pagsasama ng lahat ng iba pang aktor na nakikibahagi sa proseso ng pagtuturopag-aaral. Maaaring mas palalimin ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng mga pananaw at karanasan ng mga guro upang magkaroon ng kumpletong pananaw sa sitwasyon at kung paano nakikipag-ugnayan ang iba't ibang elemento sa pagitan nila o nakakaapekto sa iba. Ang mga pag-aaral sa hinaharap ay maaari ring tumukoy ng ilang mga kadahilanang nauugnay sa guro na maaaring makaimpluwensya sa karanasan sa online na pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kaso ng mga mag-aaral, ang kanilang edad, kasarian, at degree na mga programa ay maaaring suriin kaugnay ng mga partikular na hamon at estratehiya na kanilang nararanasan. Bagama't ang pag-aaral ay nagsasangkot ng medyo malaking sukat ng sample, ang mga kalahok ay limitado sa mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa isang unibersidad sa Pilipinas. Upang madagdagan ang katatagan ng mga natuklasan, ang mga pag-aaral sa hinaharap ay maaaring palawakin ang konteksto ng pag-aaral sa K-12 at ilang mas mataas na institusyon ng edukasyon mula sa iba't ibang heograpikal na rehiyon. Isang pangwakas na tala, walang alinlangang binago ng pandemyang ito at itinulak ang sistema ng edukasyon sa mga limitasyon nito. Gayunpaman, ang hindi pa naganap na kaganapang ito ay ang parehong bagay na magpapatibay sa sistema ng edukasyon at makaligtas sa mga banta sa hinaharap.
II. PANGKATANG GAWAIN: Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong
Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral
I. UNANG GAWAIN
Ako ay isang anak na handang ibigay ang lahat para sa aking inakahit mawalan para sa sarili. Sa ganitong paraan man lamang masusuklian ang mga bagay at pag-aalagang ginawa niya sa akin. Masakit man sa paa, handa kong itulak siya kung saan man siya lumiligaya
-
Bilang mamamayan ng bansang demokratiko, ang mga ganitong hakbang ay malaking banta sa soberanya ng bansa. Ang mga kaganapang na...